Ang Blog ni Sayote Queen

Blogging from Baguio City, Philippines

Why Me?

November17

Hindi ko alam kung bakit ang cute ko simula nung bata pa ako. Genes ba? Or naturally gifted? Nakakairita na nga kung minsan eh kasi ang cute cute ko noon pa.

Joke lang peeps hehe.

Heto po ako nung bata. Sabi ng tatay ko may pinapakinggan daw akong kanta nung kinuha itong picture na ito. Which explains yung uber sa cool na headphones ko. Nakuha ito sa bahay ng aking Lolo at Lola sa Naguilian, La Union.

Cute noh.

Why me? Why am I so cute.

Why me? Why am I so cute.

Letsugas? Not For Me!

October23

Pinangako ko sa sarili ko na regular ko ng ia-update ulit ang aking blog. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang pag-update din ng regular sa Flickr account ko pero uunahin ko na muna ito. Miss na miss ko na ring mag-blog at kumuha ng mga pictures pero wala akong oras ngayon para dito.

Sa tagal kong hindi nag-blog, marami akong gustong ikwento sa inyo. Pero isa-isa na lang siguro para magkaroon ng laman ito hehe.

Napanood niyo ba ang balita kagabi na nag-pose si Alicia Meyer (tama ba spelling) na gamit lang ang plastic para hikayatin ang mga taong maging vegetarian na lang at para na rin ibigay ang kanyang suporta sa PETA? Kung hindi, naku, na-miss niyo ang kalahati ng buhay niyo. As usual, ganda pa rin niya and of course, sexy. Pinakita na nakabalot lang siya ng plastic. Siguro pag ako ang nagpose para dun, hindi kasya ang plastic na ginamit niya. Either dodoblehin ito, or kukuha ako ng mga tatlong black garbage bag para mabalot ko ang katawan ko.

At last year, gumamit lang siya ng letsugas para pangtakip sa katawan niya. Siguro pag ako yun, hindi pwedeng letsugas lang ang gamit sa katawan ko… kundi mga dahon ng saging.

Ewan ko ba kung bakit ang taba-taba ko ngayon. Kung dati na akong tumaba, eh talagang tumaba na naman ako. Sabi ng aking OB-GYNE, it has something to do with my ‘hormonal imbalance’. Hmm… pwede rin. Or dahil malakas lang talaga akong lumamon.

Sabi ni Tatay, simulan ko na daw ang mag-diet kundi baka daw iwan ako ng asawa ko. Ganun ba yun? At dahil sabi nila ay makinig sa nakakatanda dahil maraming na silang napagdaanan, nagda-diet na ang lola niyo. Ang hirap palang mag-diet… Eh pano ba naman hindi mahirap eh ang sasarap ng niluluto ng asawa ko. Feeling ko tuloy sinasadya niyang magluto ng masasarap para parusahan ako. Pero siyempre, nagpapasalamat pa rin ako dahil magaling magluto si SK. Dahil ako, hindi ako magaling. Pwera na lang siguro sa pagluluto ng noodles, Maling at sunny side up. Basta fried, specialty ko yan.

At dahil sa sobrang taba ko na ngayon, pati ang aming anak ay laging nagtatanong kung bakit daw gumagalaw ang aking tiyan tuwing naglalakad ako. Siyempre, mahirap na ipaliwanag sa isang bata na kaya yumuyugyog ang tiyan ko ay dahil sa dami ng taba. Kaya sinasabi ko na lang na, “I’m sorry, I don’t know”. Kung minsan naman, tinatanong niya ako kung buntis daw ulit ako dahil ang laki ng tiyan ko. Aray ko po. The truth hurts.

May tips ba kayo sa pagdi-diyeta? Pa-share naman.

Gusto ko rin kasing mag-pose bilang araw na gaya kay Alicia Meyer na letsugas lang ang ginamit na pantakip… Wa-poise kasi kung dahon ng saging eh. Narra na nga lapad ko tapos dahon pa ng saging ang ipangtatakip ko. Baka pagkamalan pa akong alien.

So Thankful

October21

Dahil ngayon ko lang nabisita ang aking sariling blog, ngayon ko rin lang nakita ang lahat ng mga post ng mga nag-blog tungkol sa akin.

I want to take this opportunity to sincerely thank everyone for their well-wishes. I am so thankful for these people. Even if they are, in a sense, ’strangers’ to me. I am so overwhelmed and appreciative of these people in the blogging world. I thank them for their time and sincere efforts in making me feel better. I also want to apologize for being away for so long.

For the members of Pinoy Kodakero, Flickristasindios and to Kuya Ding with this post, I want to thank you all for everything. You are all so kind. God Bless you all. Words can’t say how much I treasure all your support and for making me feel better.

posted under Buhay, Senti | 1 Comment »
« Older Entries